Alma 37:32–34

At ngayon, anak ko, tandaan ang mga salitang
_sinabi ko sa iyo;
_huwag ipagkatiwala yaong mga lihim na plano sa mga taong ito,
_sa halip ituro sa kanila ang walang hanggang pagkapoot laban sa kasalanan at kasamaan.

Ipangaral sa kanila ang pagsisisi,
_at pananampalataya sa Panginoong Jesucristo;
_turuan silang magpakumbaba ng kanilang sarili
_at maging maamo at mapagpakumbaba sa puso;

Turuan silang paglabanan ang bawat tukso ng diyablo
_sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo.

Turuan silang kailanma’y huwag manghinawa sa mabubuting gawa,
_kundi maging maamo at magpakumbaba sa puso.

Sapagkat ang gayon ay makasusumpong ng kapahingahan sa kanilang mga kaluluwa.

From section: Mga Tagubilin Kay Helaman Bilang Pinuno

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary