O, pakatandaan, anak ko, at matuto ng karunungan sa iyong kabataan;
_oo, matuto sa iyong kabataan na sumunod sa mga kautusan ng Diyos. [i]1666[/i]
_Oo, at magsumamo sa Diyos para sa lahat ng iyong pangangailangan;
_oo, hayaang ang lahat ng iyong gawain ay para sa Panginoon,
_at saan ka man magtungo ay hayaang sa Panginoon;
_oo, lahat ng iyong nasasaisip ay ituon sa Panginoon;
_oo, ang pagmamahal sa iyong puso
_ay mapasa-Panginoon magpakailanman.
Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain,
_at gagabayan ka niya sa kabutihan;
_oo, kapag ikaw ay nahiga sa gabi,
_mahiga sa Panginoon,
_upang mabantayan ka niya sa iyong pagtulog;
_at kapag ikaw ay bumangon sa umaga
_hayaang ang iyong puso ay mapuspos ng pasasalamat sa Diyos;
_at kung gagawin mo ang mga bagay na ito,
_ikaw ay dadakilain sa huling araw.