Alma 51:11–12

Ngayon, ang kanyang mga hukbo ay hindi gaanong malaki na tulad ng dati, dahil sa maraming libu-libong napatay ng kamay ng mga Nephita; subalit sa kabila ng kanilang malaking kawalan, si Amalikeo ay nakapangalap ng kamangha-manghang malaking hukbo, kung kaya nga’t hindi siya natakot na sumalakay sa lupain ng Zarahemla.

Oo, maging si Amalikeo rin ay sumalakay, sa unahan ng mga Lamanita. [i]3246[/i] At ito ay sa ikadalawampu at limang taon ng panunungkulan ng mga hukom; at ito ay sa gayon ding oras nang sinimulan nilang ayusin ang mga bagay-bagay ng kanilang pag-aalitan hinggil sa punong hukom na si Pahoran.

From section: Awayang King-Men sa Bingit ng Digmaan

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary