Subalit masdan, ito ay maselang panahon para sa ganitong mga alitan sa mga tao ni Nephi; sapagkat masdan, muling pinukaw ni Amalikeo ang mga puso ng mga tao ng mga Lamanita laban sa mga tao ng mga Nephita, [i]1713[/i] at siya ay nangalap ng mga kawal mula sa lahat ng bahagi ng kanyang lupain, at sinandatahan sila, at inihahanda para sa digmaan nang buong pagsusumigasig; sapagkat siya ay nangakong iinumin niya ang dugo ni Moroni. Subalit masdan, makikita natin na ang kanyang pangako na ginawa niya ay kahangalan; gayon pa man, inihanda niya ang kanyang sarili at ang kanyang mga hukbo upang makidigma laban sa mga Nephita.