Alma 51:7–8

At ito ay nangyari na, na ang bagay na ito ng kanilang pag-aalitan ay isinaayos sa pamamagitan ng tinig ng mga tao. At ito ay nangyari na, na ang tinig ng mga tao ay nagpatibay sa panig ng mga freemen, [i]1712[/i] at si Pahoran ay nanatili sa hukumang-luklukan, na naging dahilan ng labis na kasiyahan sa mga kapatid ni Pahoran at marami rin sa mga tao ng kalayaan, na nagpatahimik din sa mga king-men, kung kaya’t hindi sila makatutol kundi napilitang panatilihin ang layunin ng kalayaan. Ngayon, ang yaong mga sumasang-ayon sa mga hari ay yaong mga maharlikang angkan, at hinangad nilang maging mga hari; at sila ay itinataguyod ng mga yaong naghahangad ng kapangyarihan at karapatan sa mga tao.

From section: Political Na Pagbabago at Pagkakagulo

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary