At ito ay nangyari na, na yaong mga nagnanais na matanggal si Pahoran sa hukumang-luklukan ay tinawag na mga king-men, sapagkat ninanais nilang mabago ang batas sa paraang maibagsak ang malayang pamahalaan at magtaguyod ng isang hari sa lupain. [i]1710[/i]
At yaong mga nagnanais na manatili si Pahoran bilang punong hukom ng lupain ay pinangalanan ang kanilang sarili na mga freemen; at sa gayon sila nahahati, sapagkat ang mga freemen ay nangako o nakipagtipan na pananatilihin ang kanilang mga karapatan at ang kanilang mga pribilehiyo sa relihiyon sa pamamagitan ng malayang pamahalaan. [i]1711[/i]