At ngayon ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikadalawampu at limang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, matapos nilang mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng mga tao ng Lehi at ng mga tao ng Morianton hinggil sa kanilang mga lupain, at matapos simulan ang ikadalawampu at limang taon sa kapayapaan;
Gayon pa man, hindi nila napanatiling matagal ang ganap na kapayapaan sa lupain, sapagkat nagsimulang magkaroon ng alitan sa mga tao hinggil sa punong hukom na si Pahoran; sapagkat masdan, may isang bahagi ng mga tao ang nagnais na baguhin ang ilang natatanging bahagi ng batas. Subalit masdan, si Pahoran ay tumangging baguhin ni ang pahintulutang baguhin ang batas; [i]1708[/i] anupa’t hindi niya pinakinggan ang mga yaong nagpahayag ng kanilang mga tinig lakip ang kanilang kahilingan hinggil sa pagbabago ng batas. [i]1709[/i]
Kaya nga, yaong mga nagnanais na baguhin ang batas ay nagalit sa kanya, at nagnais na hindi na siya ang maging punong hukom sa lupain; anupa’t nagkaroon ng mainit na pagtatalo hinggil sa bagay na ito, subalit hindi hanggang sa pagdanak ng dugo. [i]3245[/i]