Alma 50:39–40

Masdan, ito ay nangyari na, na ang anak ni Nefihas ay hinirang na manungkulan sa hukumang-luklukan, bilang kahalili ng kanyang ama; oo, siya ay hinirang na maging punong hukom at gobernador ng mga tao, nang may panunumpa at banal na ordenansa na humatol nang matwid, at panatilihin ang kapayapaan at ang kalayaan ng mga tao, at ipagkaloob sa kanila ang kanilang mga banal na pribilehiyo na sambahin ang Panginoon nilang Diyos, oo, na itataguyod at pangangalagaan ang layunin ng Diyos sa lahat ng kanyang araw, at dalhin ang masasama sa katarungan alinsunod sa kanilang mabibigat na kasalanan.

Ngayon masdan, ang kanyang pangalan ay Pahoran. At nanungkulan si Pahoran sa luklukan ng kanyang ama, [i]3244[/i] at sinimulan ang kanyang panunungkulan sa pagtatapos ng ikadalawampu at apat na taon, sa mga tao ni Nephi.

From section: Political Na Pagbabago at Pagkakagulo

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary