Alma 61:6–8

At masdan, ako ay nagpadala ng pahayag sa bahaging ito ng lupain; at masdan, nagtitipun-tipon sila sa amin sa araw-araw, nang nasasandatahan, [i]1717[/i] sa pagtatanggol ng kanilang bayan at kanilang kalayaan, at ipaghiganti ang ating mga kaapihan. At sila ay nagtungo sa amin, hanggang sa ang mga yaong nagsipag-aklas sa paghihimagsik laban sa amin ay nalagay sa pangamba, oo, hanggang sa natakot sila sa amin at hindi sila nagtangkang sumalakay laban sa amin upang makidigma.

Sinakop nila ang lupain, o ang lunsod ng Zarahemla; sila ay naghirang ng hari sa kanila, at siya ay sumulat sa hari ng mga Lamanita, [i]1718[/i] kung saan siya ay nakipagkasundo sa kanya; kung saang kasunduan ay sumang-ayon siyang pangalagaan ang lunsod ng Zarahemla, kung aling pangagalaga ay inaakala niyang makakaya na ng mga Lamanita ang sakupin ang nalalabing lupain, at siya ang iluluklok na hari sa mga taong ito kapag nasakop na sila ng mga Lamanita.

From section: Digmaang Sibil sa Zarahemla

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary