Alma 61:9–11

At ngayon, sa iyong liham ay hinatulan mo ako, subalit hindi ito mahalaga; hindi ako nagagalit, kundi nagagalak sa kadakilaan ng iyong puso. [i]1719[/i] Ako, si Pahoran, ay hindi naghahangad ng kapangyarihan, maliban lamang na mapanatili ko ang aking hukumang-luklukan upang mapangalagaan ko ang mga karapatan at kalayaan ng aking mga tao. Ang aking kaluluwa ay di matitinag sa kalayaang yaon kung san tayo ginawang malaya ng Diyos.

At ngayon, masdan, lalabanan natin ang kasamaan maging hanggang sa pagpapadanak ng dugo. Hindi natin padadanakin ang dugo ng mga Lamanita kung sila ay mananatili sa kanilang sariling lupain. Hindi natin padadanakin ang dugo ng ating mga kapatid kung hindi sila mag-aaklas sa paghihimagsik at humawak ng espada laban sa atin.

From section: Digmaang Sibil sa Zarahemla

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary