Ngayon, nang matanto ng mga yaong taong nagnanais na siya ang kanilang maging gobernador na siya ay hinatulan ng kamatayan, samakatwid sila ay nagalit, at masdan, sila ay nagpasugo ng isang Kiskumen, maging sa hukumang-luklukan ni Pahoran, at pinaslang si Pahoran habang siya ay nakaupo sa hukumang-luklukan. [i]3295[/i] At siya ay tinugis ng mga tagapagsilbi ni Pahoran; subalit masdan, napakabilis ng pagtakas ni Kiskumen na walang sinuman ang nakahabol sa kanya.