Helaman 1:11–12

At siya ay nagtungo sa mga yaong nagsugo sa kanya, at silang lahat ay nakipagtipan, [i]3296[/i] oo, nangangako sa kanilang walang hanggang Lumikha, na hindi nila sasabihin sa kanino man na pinaslang ni Kiskumen si Pahoran. Anupa’t si Kiskumen ay hindi nakilala sa mga tao ni Nephi, sapagkat siya’y nakabalatkayo sa panahong pinaslang niya si Pahoran. At si Kiskumen at ang kanyang pangkat, na nakipagtipan sa kanya, ay inihalubilo ang kanilang sarili sa mga tao, sa kaparaanang silang lahat ay hindi matutuklasan; subalit kasindami ng natuklasan ay hinatulan ng kamatayan.

From section: Ang Pagpatay kay Pahoran

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary