At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay sumalakay sa hilaga ng burol, kung saan ang isang bahagi ng hukbo ni Moroni ay nakakubli. At nang maraanan ng mga Lamanita ang burol ng Ripla, [i]3110[/i] at nakarating sa lambak, at nagsimulang tumawid sa ilog Sidon, ang hukbong nakakubli sa timog ng burol, na pinamumunuan ng isang lalaki na nagngangalang Lehi, at kanyang pinamunuan ang kanyang hukbo pasulong at pinaligiran ang mga Lamanita sa silangan sa kanilang likuran. At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita, nang makita nila ang mga Nephita na sumasalakay sa kanila sa kanilang likuran, ay humarap sa kanila at nagsimulang makipaglaban sa hukbo ni Lehi. [i]1683[/i]