At ang gawa ng kamatayan ay nagsimula sa magkabilang panig, [i]3111[/i] subalit higit na kakila-kilabot ito sa panig ng mga Lamanita, sapagkat ang kanilang kahubaran ay nakalantad sa mabibigat na hataw ng mga Nephita ng kanilang mga espada at kanilang mga simitar, na nagdadala ng kamatayan halos sa bawat hataw.
Habang sa kabilang panig, may isang taong manaka-nakang bumabagsak sa mga Nephita, sa pamamagitan ng kanilang mga espada at dahil sa kawalan ng dugo, dahil sa sila ay nasasanggalang sa kanilang maseselang bahagi ng katawan, o ang higit na maseselang bahagi ng katawan ay nasasanggalan mula sa mga hataw ng mga Lamanita, ng kanilang mga baluti sa dibdib, at kanilang mga kalasag, at kanilang mga baluti sa ulo; at sa gayon ipinagpatuloy ng mga Nephita ang gawa ng kamatayan sa mga Lamanita.