At ito ay nangyari na, nang makita ng mga tauhan ni Moroni ang kabangisan at galit ng mga Lamanita, [i]3114[/i] sila ay uurong na sana at tatakas mula sa kanilang harapan. At si Moroni, nahihiwatigan ang kanilang layon, ay nagpasabi at binigyang-sigla ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng mga kaisipang ito—oo, ang alaala ng kanilang mga lupain, kanilang kalayaan, oo, kanilang kalayaan mula sa pagkaalipin.
At ito ay nangyari na, na hinarap nila ang mga Lamanita, at sa iisang tinig sila ay nagsumamo sa Panginoon nilang Diyos, [i]3115[/i] para sa kanilang kalayaan at kanilang kalayaan sa pagkaalipin. At sila ay nagsimulang makipaglaban sa mga Lamanita nang buong lakas; at sa oras ding yaon na nagsumamo sila sa Panginoon para sa kanilang kalayaan, ay nagsimulang magsitakas ang mga Lamanita mula sa kanilang harapan; [i]3116[/i] at sila ay nagsitakas maging hanggang sa mga tubig ng Sidon.