Ngayon, ang mga Lamanita ay higit na marami, oo, nang higit sa dalawang ulit ng bilang ng mga Nephita; gayon pa man, sila ay naitaboy hanggang sa natipon sila sa iisang pangkat sa lambak, sa pampang ng ilog Sidon. Anupa’t pinaligiran sila ng mga hukbo ni Moroni, oo, maging sa magkabilang baybay ng ilog, sapagkat masdan, sa silangan ay naroon ang mga tauhan ni Lehi.
Samakatwid, nang makita ni Zerahemnas ang mga tauhan ni Lehi sa silangan ng ilog Sidon, at ang mga hukbo ni Moroni sa kanluran ng ilog Sidon, na sila ay napaliligiran ng mga Nephita, sila ay nakadama ng labis na pagkatakot. Ngayon si Moroni, nang makita niya ang kanilang pagkatakot, ay inutusan ang kanyang mga tauhan na tumigil sila sa pagpapadanak ng kanilang dugo. [i]1685[/i]