Alma 46:28–29

Ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Moroni ang mga salitang ito ay humayo siya, at nagpasabi rin sa lahat ng dako ng lupain kung saan may mga nagsipagtiwalag, at kinalap ang lahat ng taong nagnanais na mapanatili ang kanilang kalayaan, [i]3209[/i] upang sumalungat laban kay Amalikeo at sa mga yaong nagsitiwalag, [i]2953[/i] na tinatawag na mga Amalikeohita. [i]1704[/i]

At ito ay nangyari na, nang makita ni Amalikeo na higit na nakararami ang mga tao ni Moroni kaysa sa mga Amalikeohita— [i]3210[/i] at nakita rin niya na ang kanyang mga tao ay nag-aalinlangan hinggil sa katarungan ng panig na kanilang inaniban—kaya nga, nangangambang baka hindi niya makamit ang layunin, ipinagsama niya yaong kanyang mga tao na ibig sumama at lumisan patungo sa lupain ng Nephi. [i]2954[/i]

From section: Ang Pag-urong Ng Mga Amalikita at Ang Muog Ng Mga Nephita

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary