Ngayon inakala ni Moroni na hindi kinakailangang magkaroon ng higit pang lakas ang mga Lamanita; anupa’t kanyang naisip na harangin ang mga tao ni Amalikeo, o dakpin sila at ibalik sila, at patayin si Amalikeo; oo, sapagkat nalalaman niya na kanyang pupukawin ang mga Lamanita na magalit laban sa kanila, at uudyukan sila na sumalakay upang makidigma laban sa kanila; at ito ay alam niyang gagawin ni Amalikeo upang makamit niya ang kanyang mga layunin.
Kaya nga, inakala ni Moroni na kinakailangang ipagsama niya ang kanyang mga hukbo, na magkakasamang tinipon ang kanilang sarili, at sinandatahan ang kanilang sarili, at nakipagtipan na panatilihin ang kapayapaan—at ito ay nangyari na, na ipinagsama niya ang kanyang hukbo at humayong dala ang kanilang mga tolda patungo sa ilang, upang harangin ang daraanan ni Amalikeo sa ilang. [i]3211[/i] At ito ay nangyari na, na ginawa niya ang naaalinsunod sa kanyang mga naisin, at humayo sa ilang, at hinadlangan ang mga hukbo ni Amalikeo. [i]1705[/i]