At ito ay nangyari na, na sa kabilang dako, pinasalamatan ng mga tao ni Nephi ang Panginoon nilang Diyos, dahil sa kanyang walang kapantay na kapangyarihan sa pagliligtas sa kanila mula sa mga kamay ng kanilang mga kaaway. At sa gayon nagtapos ang ikalabingsiyam na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.
Oo, at nagkaroon ng patuloy na kapayapaan sa kanila, at labis na kasaganaan sa simbahan dahil sa kanilang pagsunod at pagsusumigasig na kanilang ibinigay sa salita ng Diyos, na ipinahayag sa kanila ni Helaman, at Siblon, at Corianton, at ni Ammon at ng kanyang mga kapatid, oo, at ng lahat ng yaong inordenan sa banal na orden ng Diyos, matapos mabinyagan tungo sa pagsisisi, at isinugo na mangaral sa mga tao. [i]3236[/i]