At ngayon ito ay nangyari na, na si Moroni ay hindi tumigil sa pagsasagawa ng mga paghahanda para sa digmaan, o sa pagtatanggol sa kanyang mga tao laban sa mga Lamanita; sapagkat iniutos niya na ang kanyang mga hukbo ay magsimula sa pagsisimula ng ikadalawampung taon ng panunungkulan ng mga hukom, na sila ay magsimulang maghukay ng lupa sa paligid ng lahat ng lunsod, sa lahat ng dako ng buong lupain na pag-aari ng mga Nephita.
At sa ibabaw ng mga tagaytay ng lupang ito ay iniutos niya na magkaroon ng mga kahoy, oo, mga gawang kahoy na itatayong kasingtaas ng tao, sa paligid ng mga lunsod. [i]3237[/i] At iniutos niya na sa mga gawang kahoy na ito ay magkaroon ng niyaring mga tulos na itatayo sa mga kahoy sa paligid; at ang mga ito ay matitibay at matataas.