At iniutos niya na magtayo ng mga toreng makatatanaw sa mga yaong gawang tulos, at kanyang iniutos na magtayo ng mga lugar ng dulugan sa mga toreng yaon, upang ang mga bato at ang mga palaso ng mga Lamanita ay hindi sila masaktan. At sila ay nakahanda kung kaya’t makapupukol sila ng mga bato mula sa itaas niyon, alinsunod sa kanilang kasiyahan at kanilang lakas, at patayin siya na mangangahas na lumapit sa mga pader ng lunsod. [i]1116[/i] Sa gayon naghanda si Moroni ng mga muog laban sa pagdating ng kanilang mga kaaway, sa paligid ng bawat lunsod sa buong lupain.