At ito ay nangyari na, na sinimulan ng mga Nephita ang saligan ng isang lunsod, [i]3239[/i] at tinawag nila ang pangalan ng lunsod na Moroni; at ito ay nasa may silangang dagat; at ito ay nasa katimugan ng hangganan ng mga pag-aari ng mga Lamanita.
At sinimulan din nila ang isang saligan para sa isang lunsod sa pagitan ng lunsod ng Moroni at ng lunsod ng Aaron, idinurugtong ang mga hangganan ng Aaron at Moroni; at tinawag nila ang pangalan ng lunsod, o ang lupain, na Nefihas.
At sila ay nagsimula rin sa taon ding yaon na magtayo ng maraming lunsod sa kahilagaan, isa sa natatanging pamamaraan na kanilang tinawag na Lehi, na nasa kahilagaan sa may mga hangganan ng dalampasigan. At sa gayon nagtapos ang ikadalawampung taon.