At nasa ganitong masaganang kalagayan ang mga tao ni Nephi sa pagsisimula ng ikadalawampu at isang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi. At sila ay labis na umunlad, at sila ay naging napakayayaman; oo, at sila ay dumami at naging makapangyarihan sa lupain.
At sa gayon nakikita natin na napakamaunawain at makatarungan ang lahat ng pamamaraan ng Panginoon, tungo sa pagpapatupad ng lahat ng kanyang mga salita sa mga anak ng tao; oo, namamasdan natin na ang kanyang mga salita ay napatunayan, maging hanggang sa panahong ito, na kanyang sinabi kay Lehi, sinasabing:
Pinagpala ka at ang iyong mga anak;
_at sila ay pagpapalain,
_habang sinusunod nila ang aking mga kautusan
_sila ay uunlad sa lupain.Subalit pakatandaan,
_habang hindi nila sinusunod ang aking mga kautusan
_sila ay itatakwil mula sa harapan ng Panginoon.