[Mosiah 29:4–36] Halalan ng mga hukom

Samakatwid, mamili kayo sa pamamagitan ng tinig ng mga taong ito, ng mga hukom, upang kayo ay mahatulan alinsunod sa mga batas na ibinigay sa inyo ng ating mga ama, na tama, at ibinigay sa kanila ng kamay ng Panginoon.

Ngayon hindi pangkaraniwan na ang tinig ng mga tao ay magnais ng anumang bagay na salungat sa yaong tama; subalit pangkaraniwan ito sa kakaunting bahagi ng mga tao na magnais ng yaong hindi tama; kaya nga, ito ay inyong sundin at gawin itong inyong batas—ang gawin ang inyong mga gawain sa pamamagitan ng tinig ng mga tao. At kung dumating ang panahon na ang tinig ng mga tao ay piliin ang kasamaan, sa panahong yaon ay sasapit sa inyo ang mga paghahatol ng Diyos; oo, sa panahong yaon kayo ay dadalawin niya sa pamamagitan ng malaking pagkawasak maging tulad ng hanggang ngayong pagdalaw niya sa lupaing ito.

From section: Pagpapanibago ng Pamamamahala

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Monarkiyal na Pamumuno

Commentary