At masdan, sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo maaaring mapababa sa luklukan ang isang masamang hari maliban sa pamamagitan ng labis na alitan, at sa pagpapadanak ng maraming dugo. Sapagkat masdan, may mga kaibigan siya sa kasamaan, at pinananatili niya ang kanyang mga bantay sa kanyang paligid; at kanyang pinupunit ang mga batas ng yaong mga sinundan niya na namahala sa katwiran; at niyuyurakan niya sa ilalim ng kanyang mga paa ang mga kautusan ng Diyos; At gumagawa siya ng mga batas, at ipinadadala ang mga ito sa kanyang mga tao, oo, mga batas alinsunod sa kanyang sariling kasamaan; at kung sinuman ang hindi susunod sa kanyang mga batas ay papapangyarihin niyang lipulin; at kung sinuman ang maghihimagsik laban sa kanya ay ipadadala niya ang kanyang mga hukbo laban sa kanila upang makidigma, at kung kanyang magagawa ay kanya silang lilipulin; at sa gayon inililigaw ng isang masamang hari ang mga landas ng lahat ng katwiran. At ngayon masdan, sinasabi ko sa inyo, hindi kapaki-pakinabang na sumapit sa inyo ang gayong mga karumal-dumal na gawain.