Oo, alalahanin si haring Noe, ang kanyang kasamaan at mga karumal-dumal na gawain, at gayon din ang kasamaan at mga karumal-dumal na gawain ng kanyang mga tao. Masdan, anong laking pagkawasak ang sumapit sa kanila; at dahil din sa kanilang mga kasamaan ay nadala sila sa pagkaalipin. At kung hindi dahil sa pamamagitan ng kanilang lubos na matalinong Lumikha, at dahil ito sa kanilang matapat na pagsisisi, tiyak na di maiiwasang manatili sila sa pagkaalipin hanggang sa ngayon.
Subalit masdan, kanyang pinalaya sila dahil sa nagpakumbaba sila ng kanilang sarili sa kanyang harapan; at dahil sa nagsumamo sila nang mataimtim sa kanya ay kanyang pinalaya sila mula sa pagkaalipin; at sa gayon gumagawa ang Panginoon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan sa lahat ng pagkakataon sa mga anak ng tao, inuunat ang bisig ng kanyang awa sa kanila na nagbibigay ng kanilang tiwala sa kanya.