At ngayon, ako ay susulat kahit paano hinggil sa mga pagdurusa ng mga taong ito. Sapagkat ayon sa kaalamang aking natanggap mula kay Amoron, masdan, ang mga Lamanita ay maraming bihag, na kanilang nadakip mula sa tore ng Serisa; at may mga lalaki, babae, at bata. At ang mga asawa at ama ng mga babae at batang yaon ay pinatay nila; at kanilang ipinakain sa mga babae ang laman ng kanilang mga asawa, at sa mga bata ang laman ng kanilang mga ama; at walang tubig, maliban sa kakaunti lamang, ang kanilang ibinibigay sa kanila.