[Moroni 9:1–26] Katulad na kasamaan ng mga Nephita

At sa kabila nitong karumal-dumal na gawain ng mga Lamanita, hindi ito hihigit sa ating mga tao sa Moriantum. Sapagkat masdan, marami sa anak na babae ng mga Lamanita ang nadala nilang bihag; at matapos na alisan sila ng pinakamahal at pinakamahalaga sa ibabaw ng lahat ng bagay, kung alin ay puri at karangalan— At matapos magawa nila ang bagay na ito, kanilang pinagpapatay sila sa isang napakalupit na pamamaraan, pinahihirapan ang kanilang mga katawan maging hanggang sa kamatayan; at matapos na magawa nila ito, nilalamon nila ang kanilang mga laman tulad ng mababangis na hayop, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso; at ginagawa nila ito bilang tanda ng katapangan.

From section: Mga Karagdagang Pag-atake ng mga Lamanita at mga Kalagiman

From page: Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Commentary