At ngayon, anak ko, hindi ko na tatalakayin pa ang kakila-kilabot na tanawing ito. Masdan, nalalaman mo ang kasamaan ng mga taong ito; nalalaman mo na sila ay walang simulain at mga manhid; at ang kanilang kasamaan ay nakahihigit doon sa mga Lamanita. Masdan, anak ko, hindi ko sila maaaring itagubilin sa Diyos, baka ako ay parusahan niya.