Ngunit masdan, anak ko, itinatagubilin kita sa Diyos, at ako ay nagtitiwala kay Cristo na ikaw ay maliligtas; at ako ay dumadalangin sa Diyos na iligtas ang iyong buhay, upang saksihan ang pagbabalik ng kanyang mga tao sa kanya, o ang kanilang ganap na pagkalipol; sapagkat nalalaman ko na sila ay tiyak na masasawi maliban kung sila ay magsisisi at magbabalik sa kanya. At kung sila ay masasawi, iyon ay magiging katulad ng mga Jaredita, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, na naghahangad ng dugo at paghihiganti.