At kung mangyayari na sila ay masasawi, nalalaman natin na marami sa ating mga kapatid ang umanib sa mga Lamanita, at marami pa ang aanib sa kanila; samakatwid, sumulat ka kahit paano ng kaunting bagay, kung ikaw ay maliligtas at ako ay masasawi at hindi ka makikita; ngunit ako ay nagtitiwalang makikita rin kita kaagad; sapagkat mayroon akong mga banal na talaan na aking ibibigay sa iyo.