Anak ko, maging matapat kay Cristo; at nawa ay huwag makapagpadalamhati sa iyo ang mga bagay na aking isinulat, na makapagpapabigat sa iyo tungo sa kamatayan; kundi nawa ay dakilain ka ni Cristo, at nawa ang kanyang pagdurusa at kamatayan, at ang pagpapakita ng kanyang katawan sa ating mga ama, at ang kanyang awa at mahabang pagtitiis, at ang pag-asa ng kanyang kaluwalhatian at ng buhay na walang hanggan, ay mamalagi sa iyong isipan magpakailanman.