2 Nephi 8:6–8

Itingin ninyo ang mga mata sa kalangitan,
_at magsitingin kayo sa lupa sa ibaba;
_sapagkat ang kalangitan ay mapapawing parang usok,
_at ang lupa ay malulumang parang kasuotan;
_at silang nagsisitira roon ay mamamatay sa gayon ding pamamaraan.

Subalit ang kaligtasan ko ay magpakailanman,
_at ang aking katwiran ay hindi mawawala.

Makinig sa akin, kayong nakaaalam ng kabutihan,
_mga tao na kung kaninong mga puso ay nasusulat ang aking batas,
_huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao,
_ni katakutan ang kanilang mga panlalait.

Sapagkat sila ay lalamunin ng tanga na parang kasuotan,
_at kakainin sila ng uod na parang balahibo ng tupa.

Subalit ang kabutihan ko ay walang hanggan,
_at ang aking kaligtasan ay sa lahat ng sali’t salinlahi.

From section: Pag-asa Para sa Sion [Isaias 51:1-16]

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary