2 Nephi 8:9–11

Gumising, gumising! Magbihis ng kalakasan,
_O bisig ng Panginoon;
_gumising nang gaya ng mga sinaunang araw.

Hindi ba’t ikaw ang pumutol ng Rahab,
_at sumugat sa dragon?

Hindi ba’t ikaw ang tumuyo sa dagat,
_sa tubig ng malaking kailaliman;
_na iyong ginawang daan ang kailaliman ng dagat
_upang daanan ng mga natubos?

Sa gayon, ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik,
_at magsisiparoong may awitan sa Sion;
_at walang hanggang kagalakan at kabanalan
_ay mapapasakanilang mga ulo;
_at matatamo nila ang kasayahan at kagalakan;
_ang kalungkutan at pagdadalamhati ay mapapawi.

From section: Pag-asa Para sa Sion [Isaias 51:1-16]

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary