Ako siya; oo, ako siya na umaalo sa iyo.
Masdan, sino ka,
_na natatakot sa tao,
_na mamamatay,
_at sa anak ng tao,
_na gagawing parang damo?
At kalilimutan ang Panginoon na may lalang sa iyo,
_na nagladlad ng kalangitan,
_at naglagay ng saligan ng mundo,
_at patuloy na natatakot sa buong araw,
_dahil sa pusok ng mamimighati,
_sa wari ay handa upang gumiba?
At saan naroon ang pusok ng mamimighati?
_Ang bihag na tapon ay nagmamadali,
_upang siya ay palayain,
_at hindi siya mamamatay sa hukay,
_ni magkukulang ang kanyang tinapay.
Subalit ako ang Panginoon mong Diyos, na nagpapaalon sa tubig;
_Panginoon ng mga Hukbo ang tawag sa akin.
At inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig,
_at tinakpan kita sa lilim ng aking kamay,
_upang aking mailadlad ang kalangitan
_at mailagay ang saligan ng mundo,
_at masabi sa Sion: Masdan, kayo ang aking mga tao.