Gumising, gumising, bumangon ka, O Jerusalem, [i]2288[/i]
_na uminom sa kamay ng Panginoon
_sa saro ng kanyang matinding galit—
_iyong sinaid hanggang sa latak ang sarong
_nakalalango—
At walang pumatnubay sa kanya isa man sa mga anak na lalaking
_kanyang isinilang;
_ni umalalay sa kanya
_isa man sa mga anak na lalaking kanyang pinalaki.
Ang dalawang anak na lalaking ito ay dumating sa iyo,
_na nalulungkot para sa iyo—
_sa iyong kapanglawan at pagkawasak,
_at ang taggutom at ang espada—
_at kanino kita ipaaaliw?
Ang iyong mga anak na lalaki ay nangakalupaypay, maliban sa dalawang ito;
_sila ay nakahiga sa lahat ng panulukan ng lansangan;
_na katulad ng isang mabangis na toro na nasa silo,
_tigib ng matinding galit ng Panginoon,
_ang pagbabanta ng iyong Diyos.