Samakatwid masdan ngayon ito, ikaw na naghihirap,
_at lango, ngunit hindi ng alak:
Ganito ang wika ng iyong Panginoon,
_ang Panginoon at iyong Diyos ay nagmamakaawa sa kapakanan ng kanyang mga tao;
_masdan, kukunin ko sa iyong kamay
_ang sarong nakalalango,
_ang latak ng saro ng aking matinding galit;
_hindi mo na ito iinumin pang muli.
Subalit aking ilalagay ito sa kamay
_nila na nagpapahirap sa iyo;
_na nakapagsabi sa iyong kaluluwa:
Yumukod, upang kami ay makadaan—
_at iyong inilatag ang iyong katawan na parang lupa
_at parang lansangan sa kanila na nagdaraan.