[1 Nephi 17:23–47] Ang mga Judio ay iniligtas mula sa Egipto

Naniniwala ba kayo na ang ating mga ama, na mga anak ni Israel, ay nailayo sa mga kamay ng mga taga-Egipto kung hindi sila nakinig sa mga salita ng Panginoon? Oo, inaakala ba ninyong mahahango sila mula sa pagkaalipin, kung hindi nag-utos ang Panginoon kay Moises na hanguin sila mula sa pagkaalipin?

Ngayon alam ninyo na ang mga anak ni Israel ay nasa pagkaalipin; at alam ninyo na sila ay batbat ng mga gawain, na mahirap pasanin; anupa’t alam ninyo na talagang isang mabuting bagay para sa kanila, na sila ay mahango mula sa pagkaalipin.

From section: Ang Pagdating sa Bountiful

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary