Ngayon alam ninyong si Moises ay inutusan ng Panginoon na gawin ang dakilang gawaing yaon; at alam ninyo na sa pamamagitan ng kanyang salita ang mga tubig ng Dagat na Pula ay nahati dito at doon, [i]1033[/i] at sila ay tumawid sa tuyong lupa. Subalit alam ninyo na ang mga taga-Egipto ay nangalunod sa Dagat na Pula, sila na mga hukbo ng Faraon. At alam din ninyo na sila ay pinakain ng manna sa ilang.
Oo, at alam din ninyong hinampas ni Moises ang malaking bato, sa pamamagitan ng kanyang mga salita, alinsunod sa kapangyarihan ng Diyos na nasa kanya, at doon ay bumukal ang tubig, upang mapawi ng mga anak ni Israel ang kanilang uhaw.