[1 Nephi 17:23–47] Dinakila ng Panginoon ang mga tao ni Moises

At sa kabila ng sila ay inaakay ng Panginoon nilang Diyos, na kanilang Manunubos, na nangunguna sa kanila, pinapatnubayan sila sa araw at nagbibigay-liwanag sa kanila sa gabi, at ginawa ang lahat ng bagay para sa kanila na kapaki-pakinabang na tanggapin ng tao, ay pinatigas nila ang kanilang mga puso at binulag ang kanilang mga isip, at nilait si Moises at ang tunay at buhay na Diyos.

At ito ay nangyari na, na alinsunod sa kanyang salita sila ay nilipol niya; at alinsunod sa kanyang salita sila ay pinatnubayan niya; at alinsunod sa kanyang salita ay ginawa niya ang lahat ng bagay para sa kanila; at walang anumang bagay ang naganap maliban sa pamamagitan ng kanyang salita.

From section: Ang Pagdating sa Bountiful

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary