At matapos na sila ay makatawid sa ilog Jordan sila ay ginawa niyang makapangyarihan tungo sa pagtataboy sa mga anak ng lupain, oo, hanggang sa magsipangalat sila sa pagkawasak. At ngayon, inaakala ba ninyo na ang mga anak ng lupaing ito, na nasa lupang pangako, na naitaboy ng ating mga ama, inaakala ba ninyo na sila ay mabubuti? Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi. Inaakala ba ninyo na ang ating mga ama ay higit na pipiliin kaysa kanila kung sila ay naging mabubuti? Sinasabi ko sa inyo, Hindi.