[1 Nephi 17:23–47] Ang Panginoon ay matuwid

Masdan, pantay ang pagpapahalaga ng Panginoon sa lahat ng tao;
_siya na mabuti ay pinagpapala ng Diyos.
_Subalit masdan, ang mga taong ito ay tinanggihan ang bawat salita ng Diyos,
_at sila ay hinog na sa kasamaan;
_at ang kaganapan ng poot ng Diyos ay napasakanila;
_at isinumpa ng Panginoon ang lupain laban sa kanila,
_at pinagpala ito para sa ating mga ama;
_oo, isinumpa niya ito laban sa kanila tungo sa kanilang pagkalipol,
_at pinagpala niya iyon para sa ating mga ama
_tungo sa kanilang pagtatamo ng kapangyarihan dito.

Masdan, nilikha ng Panginoon ang mundo
_upang ito ay matirahan;
_at nilikha niya ang kanyang mga anak upang magmay-ari nito.
_At kanyang ibinabangon ang isang mabuting bansa,
_at winawasak ang mga bansa ng masasama.

At kanyang inaakay palayo ang mabubuti patungo sa mga natatanging lupain,
_at ang masasama ay kanyang nililipol,
_at isinusumpa ang lupain sa kanila nang dahil sa kanila.

Siya ay namamahala sa kaitaasan sa kalangitan,
_sapagkat ito ang kanyang trono,
_at ang lupang ito ang kanyang tuntungan.

At kanyang minamahal sila na mga tatanggap sa kanya bilang kanilang Diyos.

From section: Ang Pagdating sa Bountiful

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary