[1 Nephi 17:23–47] Baka gusto mo ito: tungkulin ni Moises - tingnan at mabuhay.

Masdan, minahal niya ang ating mga ama, at siya ay nakipagtipan sa kanila, oo, maging kina Abraham, Isaac, at Jacob; at naalaala niya ang mga tipang kanyang ginawa; kaya nga, kanyang inilabas sila sa lupain ng Egipto.

At sila ay pinaghigpitan niya sa ilang sa pamamagitan ng kanyang pamalo; sapagkat pinatigas nila ang kanilang mga puso, maging katulad ninyo; at pinaghigpitan sila ng Panginoon dahil sa kanilang kasamaan. Nagpadala siya ng nagliliyab na mga ahas na lumilipad sa kanila; at matapos na matuklaw sila ay inihanda niya ang paraan upang sila ay gumaling; at ang gawaing dapat nilang tupdin ay tumingin; at dahil sa kagaanan ng paraan, o kadalian nito, marami ang nangasawi.

From section: Ang Pagdating sa Bountiful

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary