At pinatigas nila ang kanilang mga puso sa pana-panahon, at nilait nila si Moises, at gayon din ang Diyos; gayon pa man, alam ninyo na sila ay inakay ng kanyang hindi mapapantayang kapangyarihan patungo sa lupang pangako.
At ngayon, matapos ang lahat ng bagay na ito, sumapit ang panahon na sila ay naging masasama, oo, halos sa pagkahinog; at hindi ko alam subalit sa mga araw na ito sila ay malapit nang malipol; sapagkat alam kong tiyak na darating ang araw na sila ay tiyak na malilipol, maliban sa ilan lamang, na madadala sa pagkabihag.
Anupa’t inutusan ng Panginoon ang aking ama na magtungo sa ilang; at ang mga Judio rin ay naghangad na kitlin ang kanyang buhay; oo, at kayo rin ay naghangad na kitlin ang kanyang buhay; kaya nga, kayo ay mga mamamatay-tao sa inyong mga puso at kayo ay katulad nila.