Subalit masdan, ito ay upang makinabang, upang purihin ng mga tao, oo, at upang makakuha kayo ng ginto’t pilak. At inilagak ninyo ang inyong mga puso sa mga kayamanan at walang kabuluhang bagay ng daigdig na ito, dahil doon kayo ay pumapaslang, at nandarambong, at nagnanakaw, at nagbibigay ng hindi totoong patibay laban sa inyong kapwa, at gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan.
At sa dahilang ito kapighatian ang sasapit sa inyo maliban kung kayo ay magsisisi. Sapagkat kung hindi kayo magsisisi, masdan, ang dakilang lunsod na ito, at gayon din ang lahat ng yaong dakilang lunsod na nasa paligid, na nasa lupain ng ating pag-aari, ay kukunin upang hindi kayo magkaroon ng lugar sa mga ito; sapagkat masdan, hindi kayo pagkakalooban ng lakas ng Panginoon; tulad ng ginawa niya noon, upang manaig kayo laban sa inyong mga kaaway.