O magsisi kayo, magsisi kayo! [i]1808[/i] Bakit kayo mamamatay? Bumaling kayo, bumaling kayo sa Panginoon ninyong Diyos. Bakit niya kayo tinalikuran? Ito ay dahil sa pinatigas ninyo ang inyong mga puso; oo, tumanggi kayong makinig sa tinig ng mabuting pastol; oo, kayo ang nagbunsod na siya ay magalit laban sa inyo. At masdan, sa halip na kayo ay tipunin, maliban sa kayo ay magsisisi, masdan, kanyang ikakalat kayo upang maging pagkain kayo para sa mga aso at mababangis na hayop.