At dahil sa aking pagdadalamhati at pananaghoy ay magkakasamang tinipon ninyo ang sarili, at nanggigilalas; oo, at may malaki kayong pangangailangan na manggilalas; oo, nararapat kayong manggilalas sapagkat kayo ay nagparaya upang ang diyablo ay magkaroon ng malakas na pagkakahawak sa inyong mga puso. Oo, paanong kayo ay nagbigay-daan sa mga tukso niya na naghahangad na maibulid pababa ang inyong mga kaluluwa sa walang hanggang kalungkutan at walang katapusang kapighatian?