Masdan, mga kapatid ko, hindi ba ninyo nabasa na ang Diyos ay nagbigay ng kapangyarihan sa isang tao, maging kay Moises, na hampasin ang mga tubig ng Dagat na Pula, at nahati ito rito at doon, hanggang sa ang mga Israelita, na ating mga ama, ay dumaan sa tuyong lupa, at ang mga tubig ay nagsara sa mga hukbo ng mga taga-Egipto at nilulon sila? At ngayon masdan, kung ang Diyos ay nagbigay ng gayong kapangyarihan sa taong ito, kung gayon bakit kinakailangan kayong magtalu-talo sa inyong sarili, at sabihing hindi niya ako binigyan ng kapangyarihan na malaman ko ang hinggil sa mga kahatulang sasapit sa inyo maliban kung kayo ay magsisisi?