[Helaman 8:11–28] Tingnan at mabuhay

Subalit, masdan, hindi lamang ninyo itinatwa ang aking mga salita, kundi itinatwa rin ninyo ang lahat ng salitang sinabi sa inyo ng ating mga ama, at gayon din ang mga salitang sinabi ng taong ito, si Moises, na may gayong kalaking kapangyarihan na ibinigay sa kanya, oo, ang mga salitang sinabi niya hinggil sa pagparito ng Mesiyas. Oo, hindi ba’t siya ay nagpatotoo na paparito ang Anak ng Diyos? At tulad ng pagtaas niya ng tansong ahas [i]1186[/i] sa ilang, maging gayon din ay itataas siya na paparito. At kung gaano karami ang tumingin sa ahas na yaon ay nabuhay, gayon din kasindami ng titingin sa Anak ng Diyos na may pananampalataya, nang may nagsisising espiritu, ay mabubuhay, maging sa yaong buhay na walang hanggan.

From section: Toreng Hardin ni Nephi

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Commentary