At ngayon masdan, hindi lamang si Moises ang nagpatotoo sa mga bagay na ito, kundi ang lahat din ng banal na propeta, mula noong kanyang mga araw maging hanggang sa mga araw ni Abraham. Oo, at masdan, nakita ni Abraham ang kanyang pagparito, at napuspos ng kagalakan at nagsaya. Oo, at masdan sinasabi ko sa inyo, na hindi lamang si Abraham ang nakaalam ng mga bagay na ito, kundi marami pa bago ang mga araw ni Abraham na mga natawag sa orden ng Diyos; oo, maging alinsunod sa orden ng kanyang Anak; at ito ay upang maipakita sa mga tao, libu-libong taon bago ang kanyang pagparito, na maging ang pagtubos ay mapapasakanila.